Love Story at the Most Unexpected Way

I found my way on reminiscing my old statuses to Facebook through FB notifications – see your memories. The feeling is so nostalgic every time we have the chance to look back on our old photos and with our old selves. Reminiscing to the past makes us wonder where are the days went? Truly, it happens so fast. As in time realllllllly fliesssss so fast!

Since then, I have notice that I have some days of wanting to write. Although I have to say that I am not really inclined to writing but there were days that I really felt like writing my thoughts.

So, enough with these introduction.

I found out that my husband has a skills in writing even before the old years (5 years ago maybe)  he has been keen on writing non fiction and fiction stories back then. This morning as I told you about Facebook memories, I remember our writing days to our Facebook notes, and realized that I should repost this to my blog.

This article is in our mother tongue language. I hope I can make a version of it in English so other readers too can read. I will make a time for the translation of this. (in the future)

*********************

I kissed her, and she kissed me.And that’s quite far enough to begin our love story.

Mausok na kalsada, maingay na kalye, isang exciting at masayang lugar. Kilala sa produktong balot at magaling sa paggawa ng alfombra. Pateros. Ito ang kinagisnan na lugar nya at ng kanyang pamilya. Galing din naman sa sagana at may karanyaang pamumuhay. Si Lennie, bunsong anak ng pamilya “Turato”.

Mula sa masaya at progesibong lungsod ng Manila, wala kang ibang tatanawin kundi mga ulap na unti-unti kang lalagpasan. Mga bukid na nagbeberdihan, kalabaw. Very province setting sa unang tingin. Tanawin mula sa sasakyan tungong Tarlac. Lugar na unti-unti naman nang nagiging sibilisado. Ako. Ito ang aking kinamulatan, galling sa payak at simpleng pamilya. Si Bryan, bunsong anak ng pamilya “Turato-Jose”

Marahil sa mga lugar na ito nagsimula ang aming kwento. Kwento na naghubog sa aming pagkabata. Na kung saan hindi namin makakaila na nagmula kami sa iisang grupo ng pamilya. Isang pagkakataon na hindi naming sinasadya. Grupo ng pamilya na kung saan, nagpapang-abot kapag may okasyon na. Si Lennie Pateros, Ako, probinsya.

Mabilis ang mga pangyayari. Bagama’t hindi nananalaytay sa dugo nya ang pagiging Turato at hindi rin naman kaila yun sa kanya, alam ko at alam nya na kahit na minsan, hindi nya naramdaman na walang nagmahal sakanya na katulad ng pagmamahal ng isang magulang.

Mabilis ang mga pangyayari. Bagama’t milya-milya ang agwat ng aming lugar, hindi nila naiwasan ang isang trahedya na nagpabago ng buhay nila. Ang tuluyan nilang pagluwas ng probinsya ng Tarlac. Trahedya ng pagiwan ng mahal nilang pader ng tahanan. Nagdesisyon sila na dun na lang manirahan sa iniwan na bahay at lupa ng kanilang Ama.

At mabilis ang mga pangyayari. Ito na marahil ang dahilan kung bakit nagtagpo ang aming landas. Probinsya ng Tarlac. 

Lumipat sya sa pinapasukan kung paaralan. And in appropriate way of pakikisama, nagpapansinan din naman kami, at oo aminado ako na hindi ko gusto ang mga ugaling pinapakita nya sakin. I don’t know if it’s really just her, na galling Manila, but I think we are civilized enough para malaman kung maganda o pangit ang ipapakita mo sa isang tao. And I’m not the type of person na pumapayag supladahan at sungitan na lang. So as time goes by, hindi talaga kami nagkakasundo. But for the record, hindi naman din talaga sya ganun, tulad ng inaakala ko sa kanya.

Lumilipas ang panahon, waring hindi namin namamalayan. Nalagpasan ang mga adjustments, dumaan ang hindi mabilang na away. At marahil nadin sa mga kalokohan na nagagawa ko noong panahon na yun, ay hindi narin naiiwasan ang magkasakitan. Tama. Magkasakitang pisikal. Na kapag naaalala ko pa din ngayon ay tinatawanan nalang ang sarili.

But I admit, noong panahon na yun? I really think of this. “Who cares?” And we really are thinking na magpinsan talaga kami in thoughts and in actions. So there is no big deal for me and I know ganun din sya.

Mga simpleng kabataan lang din naman kami that time. I do have girlfriends, she have crushes. And hindi rin naman maikakaila na may mga nagkakagusto din sa kanya. She is a simple one I think, typical girl, chinita type. A leader and has a strong personality. And yes, that’s her.

Until our highschool days are over. So, excited magcollege. And then I found out the “love of my life”. That is what I thought. She left me. And we all know how miserable we are kapag may isang nagpaasa sayo. How over reacted we are kapag akala mo sya na talaga. I am totally broke that time. The End…

Nagkalat ang notebook , lapis, ballpen, Tshirt at kung ano-ano pang kalat sa kwarto. Madalas nangangamoy chico. Tinatamad lumabas, pagod sa music, movie at kung ano-anong multimedia expeditions. And when my life is totally messed up, I didn’t expect her to be with me. But she was there. And yes, I need her. I need a friend that time. Yung someone na maisisigaw mo sa kanya yung sakit, yung maririndi sa kakaulit mo ng walang kwentang kwento nyo. That is her. I am very lucky to hear a lot of advices from her.

Dumaan ang mga tawanan, gimik at kung ano-ano pang mga kalokohan kasama ang pamilya, pinsan, at barkada. Napalitan na ang pait ng saya. And who would have thought? From the day she listened to my sentiments forward, we have been tighter and closer as friends. Napakalayo ng pagkataong nakikita ko sakanya, noong mga unang dating nya sa probinsya. Unti- unti ko syang naiintindiahn. Ano ang ibig sabihan ng tawa nya, ng iyak, at maging mga tingin at pag-galaw. No she’s not just a typical person anymore.

Pagalulong ng aso, gabing gumigising sa himbing ng tulog. Pagdampi ng lamig ng hangin. Isang takot na kakaiba sa pakiramdam. Ni hindi ko nadin maalala kung ganitong takot nga ba ang pag-alala at pag-aalala ko sa knya. Hindi ko alam ng kwento nya, pero paano ko nga ba papasukin ang bagay na alam kong walang kasiguraduhan. Na kahit na minsan ay hindi ko naisip na hindi ito ang kakahinatnan. Malaking EWAN…

Spring comes, winter pass by. Napakaraming nangyari, bagay na unti-unting nagkakatotoo. Tulad lang din ng iba na minsan nasusukat ang nararamdaman kapag wala siya at pakiramdam mo, ang dami ng nawawalang pagkakataon sayo.

Lumipas ang pasko na walang kasiguradohan, Bagong-taon ng pag-aalinlangan. Hindi sa nararamdaman, kundi sa estado na ginagalawan. Hindi ko alam kung paano, pero naging sigurado na ako sa nararamdaman at marahil alam ko na sa paglingon ko, pamilya namin ang tatanawin, kaya hindi ko alam kung bakit.

Dumaan na naman ang ilang mga araw, simpleng araw ng tawanan, pasyalan, kainan at kung may sasabihing libangan, panunood na siguro ang nangunguna dyan. Kanya-kanyang pili ng pelikula at kwentuhan sa mga bagay na may topic sa mesa. At kung may nagbibigay man sakin ng lakas ng loob sa mga sandaling iyon, sya narin mismo siguro yun. Lakas ng loob para huwag bitawan ang nararamdaman, lakas ng loob na nagsasabing “kaya ko din, kaya natin!” Pero that very moment, alam ko blanko pa din ang papel ko.

Until this day comes by, February 06, 2007. At gaya ng ibang araw, it was just an ordinary day. Movie marathon after school, foodtrips at kabaliwan. Walang magaakala na ito na pala ang pinaka- malaking araw na mangyayari sa buhay ko.

A winter’s breeze in the air.

I kissed her, she kissed me.And that is how we begin, the roller-coaster ride.

Pag-aalinlangan? Hindi. Pagdududa? Hindi. At lalong hindi sa kaduwagan. Noong mga sandaling yon, wala na kaming iniisip na iba. Ano pa nga ba ang mararamdaman mo, pag andun ka na? parang lasing magdamagan, tulog saglit, pag-gising at pag-mulat lutang ka.

Masaya ang mga pangyayari, love endearments, love songs, looking forwards at kung ano-ano pa. Tulad din ng ibang relasyong nag-aaral maglakad sa umpisa. 

Isa, dalawa, tatlong araw at ilang pang hakbang, unti-unti narin naming nararamdaman ang dilim sa pinapasok naming relasyon at naguumpisa naring mangapa.

Hindi rin naman talaga namin inaakalang magiging madali. Handa kaming akyatin ang stage at saluduhan ang mga pintas na maririnig, pasukin ang boxing arena para harapin ang suntok na tatanggapin. Yun kami. Relasyon.

Pero alam naman nating lahat, na sa bawat tapang na pinapakita, ay may ikinukubling kahinaan at takot. Paano nga ba namin pangangatawanan yun sa aming pamilya? Oo mahirap. Ano nga naman ba ang karapatan naming na magsabi ng “Hindi” sa kanila, ano nga ba ang magagawa namin na nangangarap pa lang.

Nararamdaman namin ang mga bulong at mga mata sa nakatingin sa amin. Ang mga lihim sa pagtutol sa papasimulang relasyon, at ramdam naming ang bawat dampi ng luha ng bawat isa sa mga lihim na pagkakataon. Kaya hindi na rin nila kami masisisi kung bakit naming inilihim yon.

Ngunit maliwanag sa amin ang lahat. Umpisa pa lang, alam na naming an gaming prayoridad. Na kung gusto naming may mapatunguhan, kakaylanganin naming gumawa ng hakbang.

Ganun pa man, isang bagay ang hindi naming nalusutan, isang bagay na sa tingin ko, ni isa sa atin ay hindi makakalusot. Ang pagdududa. Paano nga ba naman nila makakaligtaan ang sabay na pagpasok at pag-uwi galling eskwela? Pagiging sobrang malapit sa isat-isa, ultimo pagbili ng parehong gamit. Nakakatuwa.

Andyan na ang Nanay at Tatay, Tito at Tita, kaibigan at kakampi, maging mga chismoso at chismosa na animo’y bibabayaran ng tig bente para pag-usapan ka. Pero alam ko, wala ni isa sa amin ni Lennie ang may karapatang manisi. Hindi rin siguro talaga naming sila masisisi.

Paparating na naman ang malamig na simoy ng hangin, at hindi naming namamalayan ang mga araw. Araw ng saya, lungkot at pagdududa. Dumating ang kapaskuhan. Hindi sinasadya ang pag-usisa sa mga pangyayari. At ang inaantay nilang marinig at malaman ay nabigyan na namin ng tuldok. Oo. Pag-amin na gumulat din sa iba. Ikinagalit ng ilang kaibigang nagtatanggol. Pasko, ngunit ang init ng hangin na dumadampi, kasabay ng hindi mapigil na luha.

Kasi ganito, oo, hindi, ewan. Ibat-ibang pagpapaliwanag ang sinabi. At kahit lumilipas ng mabilis ang araw, andyan at madami pa rin ang pagtutol at sagot sa pagtutol, na para bang noong mga sandaling yun ay buong mundo ang kalaban mo. Yun kami.

Isang matapang at matalinong babae ang kasama ko sa pagharap. Natakot ba kami? Oo. Ngunit ang pagpapatunay ng sarili sa ibang tao ay hindi nawala, bagkus kung iisipin, mas ito ang nagpatibay sa amin para tuparin ang mga pangarap. At kahit umabot na sa punto ng pagaaway, alam ko na matapang kami para ayusin ang mga bagay. Alam ko na sa mga paghakbang na ito, ang mga dating nangangapa lamang sa dilim ay unti-unting hinahawi ng liwanag. Liwanag ng unti-unti nilang pagtangap at pag gabay sa amin. Mga pag gabay na naghatid sa amin sa magandang landas. Sila ang mga tunay naming inspirasyon. Sila ang tunay na dahilan kung bakit masaya kami ngayun sa pagharap ng buhay, bilang mga propesyonal. Siya bilang Guidance Counselor. Ako sa Information System. 

At kung susumahin, madami kaming natututunan sa isat-isa, pero mas madami pa kaming matututunan sa mga darating pang panahon. Gaya din ng palagi kong sinasabi, mabilis ang mga araw na lumilipas. At tulad din ng pagtanaw sa ulap ng dapit araw, inaabangan na din naming at tinatanaw ang ikalawang yugto ng buhay namin sa susunod na taon. 2014. 

To be continued…

Original post: Facebook link here

Date written: January 2013

 


8 thoughts on “Love Story at the Most Unexpected Way

  1. Nice post, but if you ask me…you don’t need to do such long posts(that are more for chapters tellers). Is difficult to read a post if is more then half page. Is just my opinion on what I read about blogging. I like your blog, is friendly 🙂
    Kisses

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s